Miyerkules, Hunyo 22, 2011

bora

Finally, the Philippines' most renowned tourist destination. Boracay!

Merong naging hindrance sa pagpunta ko. Pero hindi ako nagpapigil. Pagkakataon na to! Since our flight was 3:00 pm, I took a half day leave from the office. I was with my mom, dad and an aunt. yeah! Bora here we are!


<bora airport pic>


After the land, we took a tricycle ride to the Jetty Port for the Bora Island. Katanaw na isla lang pla ang pupuntahan. Pero oks lang, mura lang naman ang fare.


<jetty port>

Tapos, tricycle ride ulit papuntang Station. Upon arrival sa hotel, nag ask sila ng voucher, pero dahil sa katangahan ko hindi ako nagprint ng confirmation kaya natagalan pa kami sa pag check in. We took a short rest pagdating sa room tapos we proceeded sa shore for the sunset and dinner.

<sunset>

The Island
First time ko kaya masaya ako to walk into new grounds. Fine white sand (at mga babes na naka 2 pc..haha).. As usual, madaming foreigners especially Koreans. Madaming activities na pwedeng gawin. Kung abutan kayo ng sunday sa island, meron ding catholic church sa island located in station 1. Tuwing saturday ay 4:00 pm ang anticipated mass nila. Complete din ng mga kainan ang island kung sakaling namimiss mo ang Manila life. Madaming tiangge, may Mang Inasal, starbucks, gerry's grill at madami pang iba,


Island Hopping
Puka Island- good swimming place, mababa ang tubig at malawak ang shore.
Crystal Cave- A private island, P200 fee. pero worth it naman ang bayad. Maganda ang mga cave experiences na makikita nyo lalo na sa cave2. Simple lang ang caves pero masaya ang experiences.
Crocodile Island- snorkeling site.

Helmet Diving and Reef Walking
A whole new experience. Breathtaking ang scene underground. Chance to swim and feed the fishes. Akala ko dati meron pang kung anong sophisticated instruments ang ilalagay sayo para maka hinga ka underground. Wala naman pla. Basta lang ipapatong sayo yung helmet and thats it. Tip: wag kayo sa hotel kumuha ng package. Nung nag inquire kasi kami P1,400 daw. Tapos nung sa shore na kami merong mga nag aalok. P400 lang. 









Night Life
Madaming mga bars. Madaming pwedeng pwestuhan. Madaming pwedeng makilala. Unfortunately, kasama ko ang parents ko kaya behave mode ako. haha. Next time i'll go with my friends.. bwahahahah


Airports
Nung papunta kami, Caticlan ang flight namin kaya walang hassle. Pagdating mo kasi ng airport ay ilang minuites na lang. tricycle-boat-tricycle lang. In less than an hour nasa station ka na. Pero nung pauwi dahil nagdeviate na ako sa original booking ko due to office problems, Kalibo na ang flight ko pauwi.

Yeah!! Travelling solo again. Second time! (the first time was in Davao). Mejo malayo ang Kalibo airport from Bora island. Sabi ng mga tao, mas oks mag van kesa mag bus papuntang Kalibo airport from Jetty Port sa Caticlan. Kaya ayun, nag van ako. Mag jjeep ka pa kasi pag bus kasi hindi sakto sa airport ang daan ng bus whereas kung van, sa tapat na mismo ng airport. Naka 6 na cementeries, hekta-hektaryang bukirin, madaming elementary schools, madaming bangin, pawala-walang signal at kung anu-ano pa ang nakita at naabutan ko sa daan. Nakakainip lalo na kung ikaw lang mag isa at hindi mo masyadong feel ang katabi mo sa van. Matulog na lang. haha. Pagdating sa Kalibo airport, wala namang makikta.




<church>

to be continued...

Linggo, Hunyo 12, 2011

New Beginning

From my Boracay flight, a friend fetched me from the airport. Ewan ko, pero this is the first time na may sumundo sakin. Usually, ako yung sumusundo kaya I find it very sweet and unusual. I feel special. Ewan ko. After sa airport we went to MOA for dinner. Ewan ko. Dating time ulit. Exciting at nakakatuwa. A new chapter opened. Looking forward into a happy and exciting chapter of my life. (next time na yung bora blog ko..) basta happy ako ngaun..