Lunes, Nobyembre 12, 2012

The Law of Attraction is Real

"The Law of Attraction simply says that you attract into your life whatever you think about.  Your dominant thoughts will find a way to manifest. "

The first time I have heard of this law, natawa ako. Para kasing bagay lang siya sa mga taong mahilig mag tantrums, yung mga self centered brats. Ewan ko,  baka nag ooverthink lang ako. 



Isa akong jologs na tao. Hindi naman ako maprinsipyong tao. Madalas nga ay nilulunok ko ang pride ko sa para sa mga taong mahalaga sakin. Madrama na ako.

Masayang mabuhay sa buhay na gusto mo at deserve mo. Masaya ako sa buhay ko ngayon, aside sa fact that my dad is no longer with me. Masaya ako. Gusto ko maging masaya ang lahat ng tao. 

Let us all be happy.. :))))))))

Martes, Mayo 22, 2012

2 YEARS

Sa araw na ito. Dalawang taon na mula nang una akong nagkatrabaho. Ambilis ng panahon, ang dami nang nangyari at madami nang tao akong nakilala. May mga nanatiling kaibigan at may mga tao na tamang dumaan lamang. Hindi ko alam. Madami akong pinagdaanan na humubog kung sino ako ngayon. Andrama. 


Ngayon ang araw na una akong nagkatrabahong totoo. Hindi naman sa sinasabi ko na hindi tunay na trabaho ang nauna kong dalawang pinasukan. Pero mas pormal lang ang pinasukan ko ngaung ika-13 ng Hulyo 2009 at mas akma sa pinag-aralan ko. 


Andami ko nang napagdadaanan pero parang wala pa akong naaabot. nde ko alam. Baka nga nagddrama lang ako. haha..

Linggo, Abril 8, 2012

Almost a year

It has been a year since I made this blog. Another year has passed. Ambilis ng panahon. Madaming nangyari. Madami akong natutunan. Madaming masakit na nanyari. Madaming hindi maipaliwanang na pangyayari. Unti- unting lumalalim ang misteryo ng buhay (whow! nagiging malalim na ako, hindi bagay sa personality ko). Madami akong nakilala. May mga dumaan lang, may mga dumaan panandalian pero umalis din, pero meron din namang dumaan at nanatili. Sa mga dumaan, lalo na sa mga nanatili, nagpapasalamat ako ng madami.

Dahil ngayon at easter sunday, naisipan kong magbukas ulit ng blog na ito. Marahil wala naman talagang babasa ng blog na ito dahil wala naman talagang nakakaalam na nag eexist ito. Wala lang, gusto ko lang magkaroon ng outlet. Sa totoo lang, wala nang pinatutunguhan ang mga laman ng blog na ito.

Sa pagkakatanda ko, ginawa ko ang blog na ito dahil sa boredom ko ng 2010 busy season. Ang ironic lang dahil  nagsusulat ulit ako ngayon dahil nabobore ako, kundi dahil busy ako. Sobrang busy ko (wala nang matinong flow ang sinusulat ko). Bahala na. Kung ano na lang ang maisip at maitype kosa bulok ka T400 ko.

Sa totoo lang, masama ang loob ko ngayon. Mabigat ang loob ko na pumasok  para lang sa wala dahil sa peste kong manager. Papasukin ba naman kami para lang sa wala. Isa siyang bad apple sabi ni Vanessa. Dapat sa kanya pasabugin ang mukha. Ulo-ulo lang di kasama katawan, pag kasama katawan sabog pati laman. Napaka unprofessional nya. Anong opetsa na! Nakakairita siya. hahaha.

Hindi ko alam. Ahh basta, basta yun na yun. Hindi ko alam. Magulo ako, sana next time ay may matino na akong masulat. Sana sa susunod at may maipublish na akong totoong article. Sana sa sususnod ay matino na ko. Sana sa sususnod ay maayos na ako. Hindi ko alam!!!!!!!!!!!!!